Pangulong Duterte, nagpahatid ng pakikiramay sa mga nasawi sa bagyong Urduja
Nagpaabot din ng pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya ng tatlumpu’t isang nasawi dahil sa bagyong Urduja.
Nangako rin ang pangulo na tutulungan ang Biliran para makabangong muli matapos ang panibagong trahedya.
Kasabay nito, inatasan ng pangulo ang Department of Trade and Industry na bantayan kung tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Inatasan ng pangulo ang Department of Public Works and Highways na agad na ayusin ang dalawang nasirang tulay sa Biliran sa loob ng tatlumpong araw.
Humingi rin ng update ang pangulo sa Department of Transportation sa kalagayan ng airport sa Tacloban at Ormoc na kapwa operational na ngayon matapos magtamo ng kaunting sira dahil sa bagyo.
Inatasan din ng pangulo si DILG undersecretary Eduardo Año na paigtingin pa ang rescue operation para mahanap ang apatnaput siyam pang nawawala.
Samantala, mariing kinondena ni Pangulopng Rodrigo Duterte ang ginawang pag atake ng New Peoples Army sa tropa ng militar na nagsasagawa sana ng relief operations sa Samar para sa mga nabiktima ng bagyong Urduja.
sa pakikipagpulong Pangulong Duterte sa mga mayor at governor at ilang Cabinet secretaries sa Naval State University sa Naval, Biliran, sinabi nito na wala na talagang idelohiya ang teroristang grupo.
Tama lamang aniya na itigil na ng gobyerno na alukin pa ang teroristang grupo ng usaping pangkapayapaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.