PNP, handang suportahan ang nationwide martial law kung idedeklara ng pangulo

By Kabie Aenlle December 19, 2017 - 01:55 AM

 

Susuportahan ng Philippine National Police (PNP) ang anumang kakailanganing gawin ni Pangulong Rodrigo Duterte, kahit pa ito ay ang pagdedeklara ng martial law sa buong bansa.

Matatandaang noong nakaraang linggo, matapos aprubahan ng Kongreso ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, sinabi ni Duterte na hindi niya isinasantabi ang posibilidad ng pagdedeklara nito sa buong bansa.

Gayunman nilinaw niyang gagawin niya lang ito sakaling kailanganin ito sa ngalan ng seguridad ng bansa.

Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, ang lahat naman ay nakadepende sa kung ano ang sa tingin ni Pangulong Duterte na kailangang gawin sa mga banta ng seguridad sa Pilipinas.

Aniya pa, kung ang pagdedeklara ng martial law sa buong bansa ay maisipang gawin ng pangulo, susuportahan nila “by all means” ang kanilang commander-in-chief.

Dagdag pa ni Dela Rosa, obligasyon niyang irekomenda ang nationwide martial law kung magkakaisa ang kaniyang mga regional directors na kailangan na talaga itong ipatupad.

Pero sa kabila ng kahandaan nilang suportahan ang ganitong desisyon ng pangulo, nilinaw ni Dela Rosa na sa ngayon, wala pa siyang nakikitang dahilan para gawin ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.