Higit sa 3 police colonel, 90 iba pa sabit sa droga-Dela Rosa

By Jay Dones December 19, 2017 - 01:32 AM

 

Kinumpirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na mayroon pang higit sa tatlong opisyal ng pulisya ang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, nalalapit nang masibak sa puwesto ang mga naturang pulis bilang bahagi ng paglilinis sa kanilang hanay.

Ang mga ito aniya ay may ranggong Police Superintendent o may katumbas na ranggong Colonel sa army.

Mayroon pa aniyang mga nasa ranggong Police Officer.

Sa kasalukuyan, hawak na aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga pangalan ng mga ito at ng iba pang mga pulis na dawit sa operasyon ng iligal na droga.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may tinututukan na sila na hanggang 90 mga pulis na natukoy na sangkot sa droga.

Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga ito na lisanin na ang PNP dahil kanila nang sisimulan ang ‘purging process’sa National Police force.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.