Bagyong Urduja, inaasahang hihina pa habang papalabas ng bansa
Inaasahang unti-unti nang hihina ang pag-ulan na nararanasan sa Palawan dahil sa bagyong “Urduja.”
Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Urduja sa 145 kilometers West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Patuloy na kumikilos patungo sa direksyong West Southwest sa bilis na 18 kilometers per hour.
Samantala, inaasahang makakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang umaga o hapon ang bagyong Urduja.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.