Panibagong reklamo laban sa SkyCable isinampa ng GMA7

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2015 - 02:32 PM

 

AldubMuling inireklamo ng GMA network ang kumpanyang SkyCable dahil sa pagkawala ng signal tuwing oras ng ‘Kalyeserye’.

Ang nasabing reklamo ay inihain sa National Telecommunications (NTC).

Ito na ang ikalawang pagkakataon na naghain ng reklamo ang GMA-7 laban sa SkyCable.

Sa limang pahinang reklamo ng GMA, nakasaad na nakararanas ng problema ang sa signal ng SkyCable tuwing oras ng Eat Bulaga lalo na kapag oras na ng ‘Kalyeserye’ o ang tanyag na love team na AlDub.

Sinabi ng GMA Netwotk na may basehan sila para maniwalaang sinasadya ang signal disruptions para lamang mabawasan ang viewership ng GMA at ng Eat Bulaga.

Hiniling ng GMA Network sa NTC na imbestigahan ang mga reklamo ng mga subscribers na nagsasabing nawawalan sila ng signal kapag oras na ng naturang noontime show.

Nais din ng GMA na gumawa ng karampatang aksyon ang NTC laban sa SkyCable.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.