Umabot na sa 31 ang bilang ng mga patay sa pananalasa ng bagyong Urduja sa Eastern Visayas.
Sa nasabing bilang, 23 sa mga patay ay mula sa lalawigan ng Biliran, lima sa Leyte, dalawang sa Samar at isa naman sa Eastern Samar
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na umaabot na rin sa 49 ang nawawala base sa mga impormasyon na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMD).
Tiniyak naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na tuloy ang paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo.
Sa kasalukuyan ay mga mga pagkain at gamot na ang naiparating sa Biliran sa pamamagitan ng C-130 plane ng Philippine Air Force.
May mga barko na rin ng Philippine Navy ang na may dalang relief goods ang nakadaong na ngayon sa lalawigan ng Cebu.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na umaabot na sa P4.5 Million na halaga ng ga gamot ang naipadala sa mga naapektuhan ng barko.
Nagpadala na rin ng dagdag na pagkain at mga damit ang Department of Social Welfare and Development na ngayon ay naisakay na sa mga barko ng Philippine Coast Guard.
Nauna nang sinabi ni Roque na pupunta ngayong hapon sa lalawigan ng Biliran ang pangulo para personal na tingnan ang pinsala ng bagyo.