WATCH: Lalaking namimili ng kalakal, patay sa pamamaril

By Mark Makalalad December 18, 2017 - 01:53 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Kagagaling lamang sa lamay ng isang lalaki nang pagbabarilin ito ng riding in tandem sa Capulong St. Cor. Mata, Brgy. 108, Tondo, Manila.

Nakilala ang biktima na si Nanding Ocampo, 24 na anyos at bumibili ng mga kalakal.

Kwento ng ina ng biktima na si Merceditas Ocampo, naglalakad na pauwi ng bahay ang kaniyang anak para matulog nang bigla na lamang naganap ang pamamaril alas-12:00 ng hating gabi.

Tama sa ulo at dibdib ang tumapos sa buhay ng biktima na kilala sa pagiging mabait sa kanilang lugar.

Ayon sa kagawad ng barangay na si Ogie Garcia, wala namang masamang record sa barangay ang biktima at wala rin daw alam sa involvement nito sa drugs.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaril.

Samantala, sugatan naman ang apat na lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Gerona St. Corner Yangco, Brgy. 84, Tondo, Manila.

Kritikal ang biktima na napuruhan sa dibdib na si Reggie Galace, 28, side car boy na isinugod sa Mary Johnston Hospital.

Habang tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng ibang biktima na isinugod din sa kaparehong hospital sina Virgilio Dela Pena 27 at Ezekiel Borromeo 22.

Ang isang biktima naman na si Arianne Isidro, 26 na nakita sa CCTV na nakahandusay sa kalsada ay inihiwalay sa Jose Reyes Memorial Medical Center na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tiyan.

Ayon kay PO2 Jayson Emata ng Manila Police District, posibleng away ng grupo ang dahilan ng pamamaril.

Nakatanggap kasi sila ng impormasyon na dati nang may nakaalitan ang mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa krimen.

Narito ang buong report ni Mark Makalalad:

TAGS: Merceditas Ocampo, Ogie Garcia, Tondo Manila, Merceditas Ocampo, Ogie Garcia, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.