Reporma sa buwis, inaasahang lalagdaan ni Pang. Duterte bukas

By Rohanisa Abbas December 18, 2017 - 01:11 PM

Presidential Photo

Inaasahang bukas lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reporma sa buwis o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) “package 1-A” para maging ganap na batas, ayon sa Malacañang.

Oras na maipatupad ito, mas malaki na ang maiuuwing sahod ng mga manggagawang Pilipino.

Halimbawa rito ang mga sumasahod ng hindi lalagpas sa P250,000 kada taon o P20,800 kada buwan na hindi na makakaltasan ng withholding tax ang kanilang sweldo.

Hindi na rin bubuwisan ang 13th month pay at iba pang bonus na aabot sa P90,000.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, binabalanse ng TRAIN ang matagal nang inequity ng sistema sa buwis sa bansa. Aniya, mahalagang “milestone” ito sa kasayasayan ng bansa.

Dagdag ng kalihim, ito ang pinakamalaking pamasko ng administrasyong Duterte sa mga Pilipino.

Inaasahan namang magbubunga ang TRAIN 1-A sa P92 billion net revenue, batay sa dokumento ng Department of Finance (DOF). Gayunman, mas mababa ito sa target na P130 billion.

Ayon kay Dominguez, naghahanda na ang kagawaran para ipanukala sa Kamara ang ikalawang bahagi ng TRAIN.

TAGS: manggagawa sa Bansa, Rodrigo Duterte, Train, manggagawa sa Bansa, Rodrigo Duterte, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.