Palasyo, itinanggi na nagkasigawan sina PNoy at Sec. Abad
Itinanggi ng Malakanyang ang napabalitang sigawan sa pagitan nina Pangulong Benigno Aquino III at Department of Budget and Management (DBM) Sec. Butch Abad.
Base sa column ni dating Senador Kit Tatad, tinaasan umano ng boses ni Pangulong Aquino si Abad matapos na malaman na iniimbestigahan siya ng Office of the Ombudsman dahil sa disbursement accelaration program o DAP.
Sa nasabing tagpo, sinisi umano ni PNoy si Abad dahil sa kinahinatnan ng DAP dahil si Abad ang sinasabing utak nito.
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda walang nangyaring sigawan sa pagitan ng dalawang opisyal tulad ng kuwento ng source ni Tatad sa loob ng Malakanyang.
Ang DAP ay nilikha ng DBM para mas mapabilis ang paggamit ng pondo ng pamahalaan sa mahahalagang proyekto.
Ang ilang bahagi ng nasabing programa ay idineklarang labag sa saligang batas ng Korte Suprema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.