Lalaki, sinaksak sa mukha ng kaaway sa Maynila

By Ricky Brozas December 18, 2017 - 11:45 AM

Photo courtesy: Google

Sugatan ang isang 21-anyos na lalaki matapos saksakin sa mukha ng kanyang kaaway sa CM Recto Avenue, cor. Delpan St. sa lungsod ng Maynila.

Ginagamot ngayon sa Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si John Vincent Fernandez, market helper, at nakatira sa Tondo habang nakatakas naman ang suspek na nakilala lamang bilang “alyas Venus”, residente rin sa lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kaharap ni Fernandez ang isang kaibigan nang dumating ang suspek na lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa mukha ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Nabatid na matagal nang may alitan sina alyas Venus at Fernandez kaya’t sinasabing ito ang tinitignang motibo ng pulisya sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa agarang ikadakip ng nakatakas na suspek.

TAGS: “alyas Venus”, John Vincent Fernandez, “alyas Venus”, John Vincent Fernandez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.