Nasirang tulay, abala sa pagpapadala ng ayuda sa Biliran

Courtesy: Coun. Lloyd Del Rosario Labagala via Biliran Island FB Page

Pinababagal ng sirang tulay ang ayuda para sa Biliran Island na sinalanta ng Bagyon Urduja, ayon kay Leyte Governor Dominico Petilla.

Sa isang panayam, sinabi ni Petilla na natatagalan ang pagdadala ng heavy equipment mula Leyte patungong Biliran para ma-clear ang landslides sa isla.

Hindi kasi madaanan ang tulay na nag-uugnay sa dalawang lugar.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagbibigay-ayuda ng Philippine Coast Guard (PCG) gamit ang mga bangka para maghatid ng mga tubig at pagkain sa Biliran.

Magugunitang 26 ang nasawi at 23 katao ang napaulat na nawawala sa landslide sa isla.

Read more...