21,000 pamilya, nananatili sa evacuation centers sa Bicol

By Rohanisa Abbas December 18, 2017 - 10:06 AM

Nananatili sa evacuation centers ang 21,000 pamilya sa rehiyon ng Bicol na sinalanta ng Bagyong Urduja, ayon sa National Disaster and Risk Reduction Management Center (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, nasa mahigit 4,000 pamilya naman ang nakikisilong sa mga bahay ng kani-kanilang kamag-anak sa mga kalapit na lalawigan.

Mayroon namang naitalang 19 na patay at 23 nawawala. Kasama sa bilang na ito ang mga nasawi sa landslide sa Biliran. Gayunman, kinukumpirma pa ng NDRRMC ang impormasyong ito.

Samantala, sa Eastern Samar at Compostella Valley, aabot sa 35 milyong piso ang napinsala ng bagyo sa national road pa lamang.

Ayon kay Marasigan, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa mas komprehensibong datos ng pinsalang iniwan ng Bagyong Urduja. Maliban dito, naghahanda rin aniya ang NDRRMC para sa isang panibagong bagyong nakaambang pumasok sa bansa.

Inaasahan namang bukas lalabas ng bansa ang Bagyong Urduja.

TAGS: Bagyong Urduja, Bicol Region, NDRRMC, Romina Marasigan, Bagyong Urduja, Bicol Region, NDRRMC, Romina Marasigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.