Bilang ng mga pasaherong nastranded sa mga pantalan, nabawasan na

By Rohanisa Abbas December 18, 2017 - 09:39 AM

Nabawasan na ang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan dahil sa sama ng panahong dulot ng Bagyong Urduja.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mula 17,000, nasa 9,775 pasahero na lamang ang hindi pa nakakabiyahe sa mga pantalan sa Central Luzon, Palawan, Bicol, Western Visayas, Southern Tagalog, at Southern Visayas.

Sa datos din ng PCG, 913 rolling cargoes, 88 vessels at 20 motor bancas ang stranded din sa mga naturang rehiyon.

Inabisuhan pa rin ng PCG ang units nito na higpitan ang pagpapatupad ng guidelines sa mga sasakyang-pandagat tuwing masama ang panahon.

TAGS: Bagyong Urduja, Bicol, Central Luzon, Palawan, pantalan, PCG, southern tagalog, Southern Visayas, western visayas, Bagyong Urduja, Bicol, Central Luzon, Palawan, pantalan, PCG, southern tagalog, Southern Visayas, western visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.