Bagyong Urduja, nag-landfall na sa Taytay, Palawan

Photo courtesy: PAGASA

Nag-landfall na sa Taytay, Palawan ang Tropical Depression Urduja.

Batay sa pinakahuling update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bahagi ng Dumara, Palawan.

Dala ng Bagyong Urduja ang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 18 kilometro kada oras pa-kanluran.

Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Palawan.

Read more...