Abu Sayyaf, nasabugan ng itinatanim nilang EID

By Josepine Codilla September 22, 2015 - 12:30 PM

PatikulDahil sa kalituhan dulot ng biglaan at di inaasahang pagdating ng mga tropa ng 35th Infantry Battalion sa pamumuno ni company commander Lieutenant Catapang, sumabog sa mismong mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na pinamumunuan ni Guro Ibrahim ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa may Barangay Bungkaong, Patikul, Sulu kaninang alas 8:55 ng umaga, Martes, Setyembre 22, 2015.

Nahuli ng mga tropa ng militar sa aktong nilalatag ng mga bandido ang IED na nauwi sa pakikipagbakbakan ng mga sundalo sa mahigit tatlumpung (30) ASG.

Sumabog ang isa sa mga IED na ikinasugat ng hindi pa matukoy na bilang na mga kalaban. Wala namang naiulat na sugatan sa panig ng mga tropa ng gobyerno.

Ikinatuwa ni Joint Task Group Sulu (JTGS) Commander BGen Alan R. Arrojado ang maagap na reinforcement at mas tumitibay na samahan at pakikipag-ugnayan ng mga yunit sa ilalim ng JTGS na sa darating na Oktubre 1 ay magdadaos ng kanilang unang anibersaryo sa Sulu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.