DOH, mag-iikot sa mga ospital sa NCR para sa ‘Oplan Iwas Paputok’
Iikutin ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang ilang ospital sa Kalakhang Maynila patungkol sa isinusulong na kampanyang ‘Oplan Iwas Paputok.’
Sa pinalabas na advisory ng DOH, unang bibisitahin ang Rizal Medical Center sa Pasig City alas-8:30 ng umaga at matapos ito ay isusunod na tutunguhin ni Health Secretary Francisco Duque III ang Quirino Medical Center sa Quezon City at matapos ito, alas-11:30 ng umaga ay babalik sa Maynila ang grupo ng kalihim upang bisitahin ang UST Hospital.
Una nang inanunsiyo ng DOH na target nila ngayong taon ang zero hanggang sa pinakamaliit na bilang ng casualty o injuries na dulot ng paputok.
Matatandaang nagpalabas ng Executive Order 28 si Pangulong Rodrigo Duterte na kumokontrol sa paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.
Bunsod ito nang maraming disgrasya na ang iba ay hindi lamang nasusugatan kundi nagbubuwis pa ng buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.