Matapos italaga si CNN hero Efren Peñaflorida, nais din ni Pangulong Rodrigo Duterte na lagyan ngayon ng kinatawan ng LGBT ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Sa pagdalo ng pangulo sa year-end gathering ng LGBT sa Davao City, sinabi nito na pagkakataon na ng LGBT na ipakita ang kanilang dunong at galing sa serbisyo-publiko.
Hindi isyu sa pangulo ang kasarian ng mga magiging opisyal ng PCUP basta’t tiyakin lamang na magiging maayos ang kanilang trabaho.
Sinabi ng pangulo na mayroon hanggang ikalawang linggo ng Enero ng susunod na taon ang LGBT sector para mag-usap usap, mamili at magrekomenda sa kaniya ng kinatawan na ilalagay sa PCUP.
Tulad ng nauna na nitong inihayag na katangian, gusto ng pangulo ay matalino, tapat, masipag magtrabaho at may malasakit sa mahihirap na sektor.
Una nang sinibak ng pangulo si PCUP chairman Terry Ridon at ang mga commissioners nito dahil sa junket o pagbiyahe sa abroad.