Bagyong Urduja, napanatili ang lakas habang tinutumbok ang Palawan

By Rohanisa Abbas December 18, 2017 - 06:11 AM

PAGASA

Inaasahang tatama na sa kalupaan ng Palawan ang Tropical Depression Urduja.

Huling namataan ang bagyo sa layong 195 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.

Napanatili ng Bagyong Urduja ang lakas nito na may hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Palawan.

Inaasahang bukas nang umaga hanggang tanghali lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Urduja.

TAGS: Bagyong Urduja, Landfall, Palawan, Tropical Depression, Bagyong Urduja, Landfall, Palawan, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.