Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 35 kilometro sa Kanluran ng Cuyo, Palawan.
Taglay nito ang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.
Nakataas na lamang ang Signal no. 1 sa lalawigan ng Palawan.
Pinag-iingat ng weather bureau ang mga residente mula sa Northern Palawan kabilang na ang Calamian Group of Islands sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ayon pa sa PAGASA, mapanganib pa rin ang paglalayag sa mga baybayin ng Palawan.
Samantala, ang Tropical Depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay namataan sa layong 1,795 kilometro sa Silangan ng Mindanao.
May lakas ang sama ng panahon na ito ng hanging aabot sa 40 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 50 kilometro kada oras.