DFA, dumepensa sa kaso ng Pinay Nurse sa Singapore na nahatulang makulong dahil sa sedisyon
Walang pagkukulang ang pamahalaan sa pagtugon sa kaso ng Pinay Nurse na nahatulan ng apat na buwang pagkakakulong sa Singapore dahil sa kinakaharap na kasong sedisyon.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman, Asec. Charles Jose, nabigyan ng abugado ng embahada ng Pilipinas si Ello Ed Mundsel Bello.
Ang nasabing kaso laban kay Bello, ay nag-ugat matapos itong mag-post ng umano’y ‘seditious statement laban sa Singapore sa kaniyang facebook account.
Ang hatol kay Bello ay tatlong buwan na pagkakabilanggo dahil sa mga isinulat nito sa kaniyang facebook account at isang buwan dahil sa pagsisinungaling umano nang tanungin siya ng mga pulis.
Kasama rin sa parusa ang paglalagay kay Bello sa blacklist ng Singaporean Immigration kung saan matapos niyang mapanilbihan ang kaniyang sentensya ay hindi na siya muli papayagang bumalik sa Singapore.
Sa kaniyang FB post noong January 2015, tinawag ni Bello na ‘loosers in their own country’ ang mga Singaporeans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.