Cartoon version ni Pangulong Duterte sa ‘The Simpsons’, welcome sa Malakanyang
Positibo ang naging pagtanggap ng palasyo ng Malakanyang sa paglabas ng cartoon version ni Pangulong Rodrigo Duterte sa episode ng ‘The Simpsons’ Season 29.
Sa naturang episode ay makikita ang isang framed photograph ng naging handshake sa pagitan nina US President Donald Trump at Duterte sa kasagsagan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa.
Bagaman negatibo ang mensahe ng naturang episode tungkol kay Trump ay iba naman ang naging tingin ng Palasyo sa pagtatampok kay Duterte sa palabas.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa isang panayam na ang episode ng palabas ay patunay lamang na naging matagumpay ang hosting ng bansa sa ASEAN.
Iginiit din ng opisyal na ang pagsama sa pangulo sa larawan kahit may iba namang katabi si Trump ay senyales ng ‘appeal’ o dating ng pangulo sa artist na gumawa ng palabas.
Iniupload sa Twitter ang episode noong Biyernes, December 15 na halos may 915,000 views na at 32, 000 likes.
Robert Mueller meets with President Donald Trump… #TheSimpsons pic.twitter.com/h693XgOPFM
— The Simpsons (@TheSimpsons) December 14, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.