Bukod sa 26 na nasawi, 23 pang residente nawawala sa Biliran dahil sa landslide

 

Bukod sa 26 na napaulat na nasawi, may hinahanap pang 23 mga residente sa lalawigan ng Biliran na pinangangambahang natabunan ng lupa sa mga lugar na tinamaan ng landslide.

Ayon kay Biliran Governor Gerry Espina, karamihan sa mga nasawi at maging mga nawawala ay mga residenteng nakatira sa mga lugar na may naitalang pagguho ng lupa dahil sa bagyong Urduja.

Sa bayan ng Naval, sa Biliran island, pito ang nasawi sa landslide.

Labinlima katao naman ang patuloy na pinaghahanap nang gumuho ang gilid ng bundok sa Barangay Lucsoon sa bayan ng Naval.

Nakararanas rin ng malawakang brownout sa buong lalawigan dahil sa pagbagsak ng mga tore ng kuryente.

May kakapusan rin ng suplay ng tubig na nararanasan sa lugar.

Ilang tulay rin na nag-uugnay sa Biliran sa mga katabing-bayan ang naputol o ‘di kaya ay nasira.

Dahil dito, hihilingin ng lokal na pamunuan ng Biliran sa kanilang Sangguniang Panlalawigan na ilagay sa state of calamity ang buong lalawigan.

Read more...