Pasko posibleng maulan dahil sa bagong bagyo sa labas ng PAR

 

Mula sa PAGASA

Posibleng maging maulan ang paggunita ng bansa ng Pasko sa December 25.

Ito’y dahil sa tinatayang pagpasok ng panibagong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na Byernes kahit hindi pa man ganap na nakakalabas ng bansa ang bagyong Urduja.

Ayon kay Aldczar Aurelio ng PAGASA, namataan ang isa pang tropical depression sa layong 1,950 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Dahil nasa ibabaw pa ng karagatan, malaki ang posibilidad na makapag-ipon pa ito ng puwersa at lumakas.

May posibilidad na tahakin rin nito ang naunang direksyon na dinaanan ng bagyong Urduja bagamat masyado pang malayo ang bagyo upang matukoy ang ekasaktong magiging kilos nito.

Sakaling pumasok na sa loob ng PAR, tatawagin ang bagong bagyo na ‘Vinta’.

Sa kasalukuyan, nananatili sa loob ng PAR ang bagyong Urduja.

Read more...