Dating presidente ng Canadian mining company sa Zamboanga, kasama sa apat na dinukot sa Samal Island
Kasama sa tatlong dayuhan na dinukot sa Samal Island sa Davao Del Norte ang dating presidente ng Canadian Mining Company na nag-ooperate sa Zamboanga.
Ang nasabing dayuhan ay ang Canadian na si John Ridsdel na dating Presidente na naging Chief Operating Officer din ng TVI Resource Development Philippines Inc. (TVIRD).
Ang nasabing kumpanya ay isang Canadian mining company na ang negosyo ay may kinalaman sa pagmimina ng mga precious at base metals sa Canatuan, Siocon, Zamboanga del Norte.
Bilang COO, responsibilidad noon ni Ridsdel ang lahat ng aspetong may kaugnayan sa negosyo ng TVIRD.
Kasama ni Ridsdel na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Ocean View resort sa Samal Island, Davao del Norte ang isa pang Canadian na nakilalang Robert Haul (Canadian), Norwegian na operations manager ng resort na si Kjartan Sikkengstad at ang pinay na nakilala lamang sa pangalang Tess.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.