‘Urduja’ muling nag-landfall sa Malay, Aklan

By Jay Dones December 17, 2017 - 09:51 PM

 

Nag-landfall nang muli ang bagyong Urduja sa Malay, Aklan.

Ito na ang ikaapat na landfall ng bagyo matapos nitong tawirin ang Eastern Samar, Masbate, at Sibuyan Island.

Ayon sa pinakahuling update ng PAGASA, namataan ang mata ng bagyo sa bisinidad ng Buruanga, Aklan dakong alas 7:00 ng gabi.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na nasa 55 kph at pagbugsong nasa 80 kilometro bawat oras.

Patuloy nitong tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-kanluran sa bilis na 15 kilomtero kada oras.

Signal number 1 ang nananatiling nakataas sa timog na bahagi ng Mindoro provinces, Romblon, Palawan, Aklan at northern Antique.

Dahil dito, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan sa Mindoro at Northern Palawan kasama na ang Cuyo at Calamian Group of Islands.

Samantala, nasa 1,925 kilmetro sa silangang bahagi naman ng Mindanao ang isa pang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.