Aklan tinutumbok ng bagyong Urduja; Isa pang bagyo nasa labas ng PAR
Bahagyang nagbago ng direksyon ang bagyong Urduja at tinutumbok ang lalawigan ng Aklan.
Sa 5:00 PM update ng PAGASA, namataan ang mata ng bagyo sa 65 kilometro sa timog ng Romblon, Romblon.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kph at pagbugsong nasa 80 kilometro bawat oras.
Tinatahak nito ang direksyong pa-kanluran sa bilis na 15 kph.
Signal Number 1 pa rin ang nakataas sa silangang bahagi ng Mindoro, Romblon at Palawan, Aklan, Antique at Capiz.
Samantala, isa pang bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Namataan ang bagyo sa layong 1,950 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 40 kph at pagbugsong nasa 50 kph.
Ayon sa weather bureau posibleng lumakas pa ito bago pumasok sa PAR sa Byernes.
Sakaling pumasok na sa PAR, tatawagin ang bagyong ‘Vinta’.
Bagama’t may kalayuan pa, may posibilidad na tahakin ng bagong bagyo ang dinaanan ng bagyong ‘Urduja’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.