Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Baganga, Davao Oriental alas-4:15. Linggo ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), namataan ang episentro ng lindol sa layong 23 kilometro sa silangan ng Cateel, Davao Oriental.
May lalim itong 30 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity III sa bayan ng Cateel samantalang Instrumental Intensity I naman sa Bislig City.
Wala namang napaulat na pinsalang idinulot ang naturang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES