Opisyal na bilang ng nasawi dahil sa ‘Urduja’ nasa anim- NDRRMC

 

Anim ang bilang ng nasawi sanhi ng bagyong Urduja ayon sa opisyal na tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council
(NDRRMC).

Gayunman, malaki posibilidad na tumaas pa ang naturang bilang sa mga susunod na oras dahil patuloy pa ang pagdating ng datos sa naging epekto ng bagyo sa mga lalawigang dinaanan nito.

Ayon sa NDRRMC, bukod sa anim na nasawi, anim pa ang nawawala at 19 ang sugatan sa ilang mga lugar sa Visayas region.

Maraming lugar rin ang nag-ulat ng mga insidente ng flashflood at landslide.

Wala ring kuryente ang ilang mga bayan sa Sorgosogn, Cebu, Leyte at Northern Samar na resulta ng naturang bagyo samantalang wala ring kuryente ang buong lalawigan ng Biliran.

Sa huling tala, nasa mahigit dalawampung libong pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers o katumbas ng mahigit 87 libo katao.

Nasa milyong pisong halaga rin ng panananim ang nasalanta ng bagyo sa Kabisayaan.

Read more...