GOODBYE “WITHOLDING TAX” SA 2018 sa “WAG KANG PIKON” ni Jake Maderazo

December 17, 2017 - 12:02 PM

INQUIRER File Photo

Sa papasok na taon, magkakaroon ng dagdag na pera sa mga bulsa ang mahigit 7.1 milyong mga empleyado. Ito ay dahil sa ipapatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na nakapaloob sa 2018 national budget ng Duterte administration.

Maraming papuri at pagpuna ang maririnig mo rito, pero sa kabuuan, talagang kinakailangan ito lalo’t 110-M na ang populasyon. Kinakailangan nang magtulungan ang bawat mamamayan, mahirap o mayaman.

Sabi ni Albay Congressman Joey Salceda, ang TRAIN ay magbibigay ng P172B sa mga mahihirap taun-taon, ‘di katulad ng dating mga Tax Reforms na puro lang sa mayayaman. Sabi naman ni Senador Sonny Angara, 99% ng mga nagbabayad ng income tax ay matutulungan ng TRAIN. Ayon naman sa kritikong si Solita Collas Monsod, “anti-poor” at “pro-rich” ang TRAIN at lalong maghihirap ang mamamayan.

Sa aking pagsusuri, matindi at agaran ang impact ng TRAIN sa bawat pamilya lalo’t mababawasan na ang babayaran nilang “income tax” bawat taon. Ibig sabihin, mawawala o malaki ang mababawas sa “witholding tax” ng kanilang “payslip” gobyerno man o private company.

Swerte yung sumusweldo ng P250,000 bawat taon o P20,800 bawat buwan dahil zero witholding tax na sila sa P49,900. Dagdag take home na P4,158 bawat buwan, pwede nang pambayad ng tubig, kuryente o panghulog sa lote.

Iyong sumusweldo ng P25,000 bawat buwan na nagbabayad dati ng P65,000 na witholding tax ay magbabayad na lang ng P10,000 at dagdag sa payslip niya ang dating tax na P55,000 bawat taon o P4,583 bawat buwan.

Iyong mga sumasahod ng P30,000 bawat buwan na dati’y P 83,000 ang “witholding” ay magbabayad na lang ng P22,000 o makakatipid ng P61,000 o P5,083 bawat buwan.

Iyong P40,000 bawat buwan ang sweldo na nagbabayad dati ng P119,000 bawat taon ay makakatipid din dahil P50,000 na lang ang tax at magagastos na niya ang P69,000 bawat taon o P P5,750 bawat buwan.

Iyong sumusweldo ng P50,000 bawat buwan na nagbabayad dati ng P157,000 witholding tax ay magbabayad na lang ng P80,000 at dagdag sa payslip niya ang dating tax na P77,000 bawat taon o P6,416 bawat buwan.

Ganito rin ang nangyayari sa mga sumusweldo ng buwanang P70,000 (tipid na P91,800), o buwanang P90,000 (tipid na P99,960) at sa buwanang P100,000 (tipid na P101,760)

Napakalaking dagdag-sweldo sa lahat ng mag may trabaho. Lahat ng kumakayod ay nadidismaya lagi sa sobrang laki ng kaltas ng mag dating gobyerno. Ika nga, “wala na halos natitira.” Ngayon, napakalaking pagbabago ang nangyari.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magbabalik ng pera ang gobyerno sa bawat pamilyang Pilipino. Minimum, clerk, supervisor,manager, boss, walang naiwan, lahat makikinabang.

Isipin niyo, pondong P172B na magsisilbing “makina” na tuluyan nang magpaandar sa ekonomya ng ating bansa. Mas maraming iikot na pera ngayon at sa mga susunod na taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.