Isang Canadian billionaire at kanyang asawa, natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay

By Justinne Punsalang December 17, 2017 - 11:07 AM

Natagpuang patay sa loob ng kanilang tahanan ang isang bilyonaryo at kanyang asawa sa Bayview Avenue, Ontario, Canada.

Kinilala ang mga biktimang sina Barry Sherman, isang Canadian pharmaceutical billionaire, at kanyang asawa na si Honey.

 

Isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga otoridad sa pagkamatay ng mag-asawa ang murder-suicide.

Ayon sa lathala ng Toronto Sun at The Globe, kapwa naka-bitin ang katawan ng mag-asawa sa railing ng kanilang basement pool.

Posible umanong unang pinatay ni Barry ang kanyang asawa at isinabit ang walang buhay nitong katawan, bago siya nagpatiwakal.

Itinanghal ng Forbes magazine si Barry bilang ika-12 pinakamayaman na tao sa Canada na may kabuuang yaman na $3.2 bilyon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa pamamagitan ng isang Tweet. Aniya, kilala ang mag-asawa sa kanilang pagkakawanggawa.

TAGS: canada, murder-suicide, suicide, canada, murder-suicide, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.