Isang bilanggo nakatakas sa Quezon City jail
Nakatakas ang isang lalaking bilanggo ng Quezon City jail, Linggo ng madaling araw, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Kinilala ang preso na si JR Mananquil, labing walong taong gulang. May kasong carnapping at illegal possession of firearms si Mananquil.
Ayon sa tagapagsalita ng BJMP na si Senior Inspector Xavier Solda, kapapasok lamang ni Mananquil sa QC jail noong December 7.
Sinasabing umakyat ito sa paikot na hagdaan at dumaan sa pader para makapuga mula sa nasabing kulungan.
Sa pag-uutos ni BJMP Metro Manila director Chief Superintendent Dennis Rocamora ay pinaghahanap na ng mga otoridad si Mananquil. Kasunod nito ay patuloy ang imbestigasyon para malaman kung may kapabayaan ba na naganap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.