Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Ormoc dahil sa pananalanta ng bagyong Urduja.
Ayon kay alkalde ng lungsod na si Richard Gomez, inaprubahan na ng 14th Sangguniang Panlungsod ng Ormoc ang Resolution No. 2017-354 na naglalagay sa naturang lungsod sa state of calamity. Batay ito sa naunang rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).
Samantala, nauna nang isinailalim sa state of calamity Tacloban City.
Dahil dito, maaaring magpatupad ng prize freeze sa lahat ng pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar.
Maaari ring humiling ang mga lokal na pamahalaan ng mabilisang pondo para sa disaster response at relief efforts.
Sa huling abiso ng PAGASA, isa na lamang tropical depression ang bagyong Urduja at ito ay namataan sa Samar Sea.