Isang pamilya nabiktima ng bukas-kotse gang sa Pasay City

By Justinne Punsalang December 17, 2017 - 07:17 AM

Nabiktima ng bukas-kotse gang ang isang pamilya sa Pasay City.

Kwento ng ina ng pamilya na si Minerva Almalvez, namili sila ng mga panregalo sa isang mall sa Pasay bago nagpunta sa isang paid parking lot sa Macapagal Boulevard para kumain.

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik sila sa kanilang sasakyan para sana ay makauwi na.

Laking gulat ng pamilya Almalvez nang makitang hindi na naka-lock ang driver’s at passenger’s seat ng kanilang Toyota Tamaraw FX.

Pagbukas nito ay doon na nila nakitang wala na ang kanilang mga pinamili na aabot umano sa P8,000.

Wala na rin ang naiwang smartphone, na tinatayang nasa P40,000.

Ayon kay PO2 Christopher Nero, talamak ngayong Christmas season ang mga pagnanakaw sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa naturang insidente ng pagnanakaw.

TAGS: bukas kotse gang, Christmas Season, magnanakaw, Pasay, bukas kotse gang, Christmas Season, magnanakaw, Pasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.