MJ Perez ng F2 Logistics, nasungkit ang PSL at MVP awards

By Justinne Punsalang December 17, 2017 - 05:47 AM SHARE(S):

Double celebration ngayon ang F2 Logistics matapos ibigay ang Most Valuable Player at Philippine Super Liga Grand Prix award sa kanilang import player na si MJ Perez.

Pinangunahan ng Venezuelan player ang koponan para matalo ang Cargo Movers sa Game 3 ng kanilang Finals.

25-20, 25-19, 20-25, at 25-18 ang naging iskor sa naturang laban na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Nakuha naman nina Kim Fajardo at Dawn Macandili ang Best Setter at 1st Best Librero na mga tropeo.

Sina Kianna Dy at Mary Joy Baron naman ang nakakuha ng 2nd Best Opposite Spiker at 2nd Best Middle Blockers.

Samantala, sina Hillary Hurley at Lindsay Stalzer ng Petron ang nakasungkit sa 1st Best Outside Spiker at 2nd Best Outside Spiker, habang 1st Best Middle Blocker naman ang nakuha ni Mika Reyes.

Si Jaja Santiago ng Foton ang itinanghal na 1st Best Opposite Spiker, at si Yuri Fukuda ng Petron ang nakakuha ng 2nd Best Librero.

TAGS: F2 Logistics, MJ Perez, MVP, Philippine Super Liga Grand Prix, F2 Logistics, MJ Perez, MVP, Philippine Super Liga Grand Prix

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.