Batay sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 110 kilometro kada oras.
Kumikilos pa rin ito pa-Kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras.
Dahil sa hindi masyadong gumalaw ang bagyo ay halos hindi rin naman nabago ang listahan ng mga lalawigang nakataas sa storm warning signals.
Nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa:
– Sorsogon
– Masbate kabilang ang Ticao Island
– Romblon
– Cuyo Islands
– Northern Samar
– Hilagang bahagi ng Samar
– Biliran
– Aklan
– Capiz
– Hilagang bahagi ng Antique
– Hilagang bahagi ng Iloilo
Habang nasa ilalim pa rin ng Signal No. 1 ang:
– Katimugang bahagi ng Occidental Mindoro
– Katimugang bahagi ng Oriental Mindoro
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Albay
– Burias Island
– Hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian Islands
– Natitirang bahagi ng Iloilo
– Natitirang bahagi ng Antique
– Guimaras
– Hilagang bahagi ng Negros Occidental
– Hilagang bahagi ng Cebu
– Leyte
– Eastern Samar
– Natitirang bahagi ng Samar
Pinag-iingat ng weather bureau ang mga residente mula sa Western Visayas, Kabikulan, Southern Quezon, Batangas, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, Cuyo Islands at Calamian group of Islands sa posibilidad na pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, inaasahan namang hihina na ang mga nararanasang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Visayas.
Ayon pa sa PAGASA, mapanganib pa rin ang paglalayag sa mga baybayin ng mga lugar na nasa ilalim pa rin ng Storm Warning signals.
Samantala, isang Tropical Depression pa ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa layong 2, 040 kilometro sa Silangan ng Mindanao.
May lakas ang sama ng panahon na ito ng hanging aabot sa 40 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 50 kilometro kada oras.