Temperatura sa Baguio, bumagsak sa 11.5° C
Bumagsak pa sa 11.5 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City.
Mas mababa pa ito sa naitalang napakalamig na temperatura sa lungsod noong Biyernes na 12.8 degrees Celsius.
Nauna na ngang sinabi ng PAGASA na tatagal pa ang malamig na panahon sa Baguio City hanggang sa buwan ng Pebrero.
Inaasahang bababa pa ang temperatura sa mga susunod na araw.
Ayon sa weather bureau, naantala ang pagpasok ng malamig na panahon sa bansa ngayong taon.
Maraming Katoliko ang hindi dumaing sa malamig na panahon at tumungo sa Katedral ng Baguio at iba pang mga simbahan upang makadalo sa tradisyonal na Simbang Gabi.
Naitala ang pinakamalamig na temperatura sa lungsod ngayong taon noong February 12 na umabot sa 9.2 degrees Celsius.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.