Mga sinirang armas ng Maute group, hindi nanggaling sa militar
Wala sa mga kinumpiska at sinirang armas mula sa Marawi City ang may palatandaan na ito ay nanggaling sa militar.
Ito ang naging pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero sa isang press briefing na sinagawa sa Camp Aguinaldo.
Aniya, ang 652 na mga armas na sinira sa himpilan ng AFP sa Fort Bonifacio sa lungsod ng Taguig noong December 13 ay isinailalim muna sa inventory at ikinumpara ito sa inventory ng mga armas na hawak ng AFP.
Batay dito, walang nakumpiskang mga armas ng ISIS-inspired Maute group ang nanggaling sa AFP.
Samantala, kasalukuyan pang pinoproseso ang natitirang 400 mga armas bago ito ay nakatakdang sirain din.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.