Swim ban, ipinatupad sa isang bahagi ng San Francisco bay dahil sa pag-atake ng sea lion

By Rhommel Balasbas December 17, 2017 - 04:27 AM

File Photo

Pansamantala munang isinara para sa swimmers ang isang bahagi ng San Francisco bay dahil sa naitalang magkasunod na pag-atake ng sea lions.

Isang lalaki ang nakagat sa kanyang singit nitong Biyernes.

Isang araw lamang ito matapos na magtamo ng isang seryosong arm injury ang isa pang lalaki dahil din sa pag-atake ng sea lion habang nagtatampisaw sa tubig.

Dahil dito, napagdesisyunan ng mga awtoridad na isara muna ang Aquatic Park Cove.

Kinumpirma mismo ito sa twitter ng San Francisco Maritime National Historical Park,

Gayunpaman, sinabi ng mga opisyal na iisa lamang ang responsable sa pag-atake at bihira lamang ang mga ganitong pangyayari.

Ayon sa mga eksperto, hindi pa malinaw ang rason ng pag-atake ngunit ibinabala na maaaring maging ‘erratic’ o pamali-mali minsan ang mga sea lions.

Bubuksang muli ang parke sa darating na Lunes.

TAGS: sea lion attacks 2 injured, sea lion attacks 2 injured

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.