PBA Season 43, magbubukas na ngayong araw

Nakatakda nang simulan ngayong araw ang ika-43 na season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Smart Araneta Coliseum.

Magbubukas ang seremonya alas-dos mamayang hapon.

Walang inilabas na konkretong programme para sa launching ng pinakamalaking liga sa bansa.

Gayunpaman, magkakaroon ng laban sa pagitan ng Beermen at Fuel Masters at ipapakilala ang mga koponan kasama ang kani-kanilang mga muse.

Isa sa mga muse ay ang PBB Grand Winner na si Myrtlen Sarrosa na muse ng Barangay Ginebra.

Kasali rin ang mga Beauty Queens tulad ni Laura Lehman na muse ng TNT Katropa habang si Jodie Tarasek naman ay para sa San Miguel Beer.

Read more...