Bagyong Urduja, nasa hilagang bahagi pa rin ng Samar
Nananatili pa rin ang Bagyong Urduja sa hilagang bahagi ng probinsya ng Samar.
Sa kalalabas lamang na weather bulletin ng PAGASA, nakasaad na dapat asahan ang patuloy na pag-ulan sa Western Visayas, Bicol region, katimugang Quezon, Batangas, Mindoro Oriental at Occidental, Marinduque, Romblon at Cuyo Island, hilagang Palawan, kabilang ang Calamian Group of Islands.
Mas mahinang pag-uulan naman ang mararanasan sa Central at Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, posible pa ring makaranas ng mga pagbaha at landslides sa mga nabanggit na lugar.
Huling namataan ang naturang bagyo sa bahagi ng San Jose de Buan sa Samar. Mayroon itong lakas na 65 kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 110 kph.
Gumagalaw ito patungong kanluran sa bilis na 13kph.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa:
– Sorsogon
– Masbate kabilang ang Ticao Island
– Romblon at Cuyo Islands
– Northern Samar
– Hilagang bahagi ng Samar
– Biliran
– Aklan
– Capiz
– Hilagang Antique, at
– Hilagang Iloilo
Signal number 1 naman sa:
– Southern Quezon
– Marinduque
– Katimugang bahagi ng Occidental Mindoro
– Katimugang bahagi ng Oriental Mindoro
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Albay
– Burias Island
– Hilagang Palawan, kasama na ang Calamian Group of Islands
– Natitirang bahag ng Iloilo
– Natitirang bahagi ng Antique
– Guimaras
– Negros Occidental
– Hilagang bahagi ng Negros Oriental
– Hilagang Cebu
– Leyte
– Eastern Samar, at
– Natitirang bahagi ng Samar
Paalala ng PAGASA, hindi ligtas na maglayag ang kahit anong uri ng sasakyang pandagat para sa mga lugar na nakataas ang mga tropical cyclone warning signals.
Samantala, nasa 2,190km silangan ng Mindanao naman ang isa pang bagyo na binabantayan ng PAGASA.
Kasalukuyan pa itong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at may lakas ng hangin na 40kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 50kph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.