Book now: Meme page na ‘Malacañang Events and Catering Services’, gumagawa ng ingay sa Social Media

Pinagkakaguluhan sa social media ang meme page na ‘Malacañang Events and Catering Services’.

Sa kanilang tagline na ‘Escape the Typical, Experience the Presidential’ patok ang posts ng Facebook page sa mga netizens.

May kinalaman kasi ang pagbuo sa naturang page sa naging photoshoot ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Isabella Duterte sa loob mismo ng Malakanyang.

Ang pictorial ay para sa nakatakdang debut o 18th birthday ng apo ng pangulo.

Matatandaang umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.

Ipinahayag na nga ng palasyo sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi na dapat gawing isyu ang pictorial.

Samantala, wala pang isang araw nang buoin ang meme page ay libu-libo na ang naging likes at shares ng mga posts nito.

Read more...