Patuloy na binabagtas ng Bagyong Urduja ang hilagang bahagi ng Samar.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang tropical storm sa San Jorge sa Samar.
Napanatili ng Bagyong Urduja ang lakas nito na may hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 120 kilometro kada oras.
Patuloy itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas ang Signal No. 2 sa:
-Sorsogon
-Masbate, kabilang ang Ticao Islands
-Romblon
-Cuyo Islands
-Northern Samar
-hilagang bahagi ng Samar
-Biliran
-Aklan
-Capiz
-Northern Antique; at
-Northen Iloilo
Nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang:
-Southern Quezon
-Marinduque
-katimugang bahagi ng Occidental Mindoro
-Catanduanes
-Camarines Sur
-Albay
-Burias Island
-Northern Palawan
-Calamian Group of Islands
-nalalabing bahagi ng Iloilo
-nalalabing bahagi ng Antique
-Guimaras
-Negros Occidental
-hilagang bahagi ng Negros Oriental
-Northern Cebu
-Leyte
-Eastern Samar; at
-nalalabing bahagi ng Samar
Nanatiling mapanganib pumalaot sa mga lugar na nasa ilalim ng naturang tropical cyclone warning signals.