DOLE, ipinaala ang holiday pay rules sa Dec. 25, 30 at Jan. 1

By Angellic Jordan December 16, 2017 - 07:42 PM

Nagbigay-paalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga empleyado mula sa pribadong sektor kaugnay sa tamang panuntunan ng holiday pay sa darating na Pasko, Bagong Taon at Rizal Day.

Ito ay batay sa pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Proclamation No. 50, series of 2016 noong August 16, 2016 kung saan idineklarang regular holiday ang December 25 at 30, 2017, at January 1, 2018.

Naglabas ang kagawaran ng Labor Advisory No. 13 na naglalaman ng tamang pasweldo sa mga nasabing araw.

Sa abiso ng DOLE, makakatanggap pa rin ang mga empleyado na hindi magtatrabaho sa mga nasabing araw ng 100 porsyento ng kanilang sweldo kada araw.

Kapag pumasok naman ang empleyado, dapat makakuha ito ng 200 porsyento ng kaniyang sweldo para sa unang walong oras sa trabaho sa isang araw.

Sakaling lumagpas naman sa walong oras, magkakaroon ang empleyado ng karagdagang 30 porsyento ng kaniyang hourly rate.

Makakatanggap rin ang mga empleyado na nagtrabaho at natapat sa araw ng kanilang day-off ng dagdag-30 porsyento ng kada araw na sahod na 200 porsyento.

Kung magkaroon pa ng overtime, magkakaroon pa ng karagdagang 30 porsyento ang empleyado sa kaniyang hourly rate.

TAGS: Bagong Taon, Christmas, Holiday pay, New Year, Pasko, Rizal Day, Bagong Taon, Christmas, Holiday pay, New Year, Pasko, Rizal Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.