CNN Hero Efren Peñaflorida, napupusuan ni Duterte na maging pinuno ng PCUP
Nais italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si CNN hero Efren Peñaflorida Jr. bilang bagong chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, gusto ng pangulo na galing sa hirap ang magiging susunod na pinuno ng komisyon.
Ipinahayag ni Roque na ipinahahanap na ni Duterte si Special Assistant to the President Bong Go si Peñaflorida.
Si Peñaflorida ay kinilala ng CNN noong 2009 para sa kanyang pushcart classroom na Kariton Klasroom para sa out-of-school youth.
Una nang ipinahayag ni Duterte na ikinukusidera niya ang CNN Hero para pangunahan ang PCUP.
Magugunitang sinibak sa pwesto ni Duterte si dating PCUP chair Terry Ridon dahil sa mga byahe nito sa labas ng bansa na hindiumano tugma sa kinakatawan na ahensya ni Ridon na para sa mahihirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.