Bagyong Urduja, bahagyang humina habang binabagtas ang Samar

By Rohanisa Abbas December 16, 2017 - 05:47 PM

PAGASA

Bahagyang humina ang Bagyong Urduja habang binabagtas ang hilagang bahagi ng Samar.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang tropical storm sa San Jose de Buan sa Samar.

Taglay ng Bagyog Urduja ang hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 120 kilometro kada oras. Patuloy itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Nakataas ang Signal No. 2 sa:
-Sorsogon
-Masbate, kabilang ang Ticao Islands
-Romblon
-Northern Samar
-hilagang bahagi ng Eastern Samar
-hilagang bahagi ng Samar
-Biliran
-Antique
-Aklan
-Capiz; at
-Northen Iloilo

Nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang:
-Southern Quezon
-Marinduque
-katimugang bahagi ng Occidental Mindoro
-Catanduanes
-Camarines Sur
-Albay
-Burias Island
-Northern Palawan at Cuyo Island
-Calamian Group of Islands
-Nalalabing bahagi ng Iloilo
-Nalalabing bahagi ng Samar
-Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
-Guimaras
-Negros Occidental
-hilagang bahagi ng Negros Oriental
-Northern Cebu; at
-Leyte

Nanatiling mapanganib pumalaot sa mga lugar na nasa ilalim ng naturang tropical cyclone warning signals.

Ayon sa PAGASA, patuloy naman ang kalat-kalat hanggang malalakas na pag-ulan sa mga rehiyon ng Bicol at Visayas, at maasahan
din ang ganitong panahon sa Southern Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Mindoro Provinces, Marinduque at Romblon.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar laban sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.

 

TAGS: Bagyong Urduja, Samar, Tropical storm, Bagyong Urduja, Samar, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.