2 patay; 2 nawawala sa landslide sa Biliran

Courtesy: Councilor Lloyd Del Rosario Labagala

Patay ang dalawang katao habang nawawala ang dalawang iba pa sa isang landslide sa Biliran sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Urduja.

Naganap ang pagguhon ng lupa sa Sitio Barubuhan sa Barangay Almeria.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Biliran, ang mga nasawi ay sina Jimmy Jorge, dalawang taong gulang, at Winnie Garbo, 55 taong gulang.

Nakilala naman ang dalawang nawawala na sina Maribeth Garbo, 50 taong gulang, at Wilma Garbo, 12 taong gulang.

Patuloy naman ang search and retrieval operations ng mga otoridad sa lugar.

Nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Biliran.

Read more...