Libu-libong katao, inilikas sa Albay sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Urduja
Inilikas ang 917 pamilya o 4,565 katao sa mga lugar na nanganganib sa flash flood, lahar at storm surge sa Albay sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Urduja.
Sa Guinobatan, nahaharap sa banta ng lahar ang 888 pamilya o 4,440 katao mula sa mga barangay ng Maninila, Muladbucad Grande at Tandarora. Ayon kay Mayor Ann Gemma Onjoco, pansamantalang nanatili sa Guinobatan East Central School at Lowe
r Binogsacan School ang mga ito.
Samantala, sa Malilipot, nanganganib naman sa flash flood at storm surge ang mga residente ng tatlong barangay. Ayon kay Zeus Borromeo, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, inilikas sa Barangay Hall ang 18 pamilya o 70 residente nito.
Sa Ligao City, pinalikas din ang 11 pamilya o 55 kataong naninirahan sa tabi ng ilog, partikular sa Barangay Baligang.
Nasa ilalim ng Signal No. 2 ang Albay dahil sa Bagyong Urduja. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.