Bagyong Urduja, nag-landfall na sa Eastern Samar

Tumama na sa kalupaan ang Tropical Storm Urduja sa Eastern Samar dakong ala-1:00 ng hapon.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng San Policarpio.

Bahagyang bumilis ang Bagyong Urduja sa 15 kilometro kada oras pa-kanluran.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro kada oras habang bahagyang lumakas ang pagbugso nito na aabot sa 110 kilometro kada oras.

Nakataas ang Signal No. 2 sa:
-Albay
-Sorsogon
-Masbate, kabilang ang Burias at Ticao Islands
-Romblon
-Northern Samar
-Eastern Samar
-Samar
-Biliran
-Leyte
-Aklan
-Capiz; at
-Northen Iloilo

Nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang:
-Southern Quezon
-Mindoro
-Marinduque
-Catanduanes
-Camarines Norte
-Camarines Sur
-Cuyo Islands
-Calamian Group of Islands
-Antique
-Nalalabing bahagi ng Iloilo
-Guimaras
-Negros Occidental
-Northern Negros Oriental
-Cebu
-Northern Bohol
-Southern Leyte; at
-Dinagat Islands

Nanatiling mapanganib pumalaot sa mga lugar na nasa ilalim ng naturang tropical cyclone warning signals.

Ayon sa PAGASA, patuloy naman ang kalat-kalat hanggang malalakas na pag-ulan sa mga rehiyon ng Bicol at Visayas, at maasahan din ang ganitong panahon sa Southern Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Mindoro Provinces, Marinduque at Romblon.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar laban sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...