Libu-libong pasahero, stranded sa mga pantalan
Naipit ang hindi bababa sa labing-isang libong pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Urduja.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), aabot sa kabuuang bilang na 11,332 na pasahero ang apektado sa Eastern, Southern at Western Visayas, kabilang din ang Bicol region at Southern Tagalog.
Maliban dito, sinabi ng PCG na stranded din ang 68 na vessel, 1,422 rolling cargoes at 34 motor bancas sa mga nabanggit na lugar.
Pinaalalahanan naman ng PCG ang kanilang mga units sa istriktong pag-iimplementa ng HPCG Memorandum Curcular Number 02-13 o ang pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang-pandagat na apektado ng naturang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.