Pagkahilig sa “selfie” isang uri ng mental disorder ayon sa mga eksperto

Inquirer file photo

Babala sa mga mga mahilig mag-selfie.

Sinabi ng mga eksperto na ang tinatawag na “Selfitis”, o yung madalas na pag-selfie ng anim o higit pa sa loob ng kada araw ay isang umanong simptomas ng chronic mental illness.

Ang nasabing pag-aaral ay ginawa sa Nottingham Trent University at Thiagarajar School of Management sa India na naglalayong alamin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit mahilig mag-selfie ang ilang mga tao.

Ayon sa pag-aaral na may titulong “Selfitis Behavior Scale”, ang pagkahilig ng mga tao sa selfie ay hinati sa tatlong kategorya o level na bodrderline, actute at chronic.

Umaabot sa 400 mga mag-aaral ang isinailalim sa oberbasyon at interview sa India para alamin ang epekto sa isang tao ng selfie.

Kabilang dito ang 230 na mga kalalakihan at 170 mga kababaihan na may edad 16 hanggang 25 taong gulang ang isinali sa eksperemento.

Umikot ang tanong mga sumusunod na pahayag:

 

Makaraan ang ilang araw na pag-aaral ay lumalabas na 34 percent ng mga respondents ang nasa “borderline”, umaabot naman sa 40.5 percent ang nasa “acute” stage at 25.5 percent ang maituturing na “chronic”.

Nauna na ring lumabas sa pag-aaral ng American Psychiatric Association na ang madalas na pages-selfie at pag-upload nito sa social media ay isang uri ng mental disorder.

Lumabas sa kanilang konklusyon na ang selfie ay nag-uugat sa kakulangan ng “self esteem” at paraan para mas maramdaman ng isang tao ang tinatawag na intimacy.

Sa kanyang pag-aaral noong 1995 na may titulong “technological addictions”, sinabi ni Dr. Nick Griffiths na darating ang panahon na maraming mga tao ang malululong sa kakaibang uri ng adiksyon.

Ito ay ang pagkahilig sa online games, internet, mobile phones at social media.

Read more...